227 pang Pinoy mula Sudan, nakarating na sa Egypt
April 28, 2023 @2:44 PM
EGYPT – Ligtas nang nakarating sa Egypt ang nasa 227 Filipino mula sa Sudan, iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Biyernes, Abril 28.
Ayon sa DFA, dagdag ang naturang bilang sa naunang 51 Filipino na nakarating na rin sa Egypt sa pamamagitan ng Argeen border.
Personal na humarap si Philippine Ambassador to Egypt Ezzedin Tago sa mga lumikas na Filipino, kasabay ng pagtawid nito sa Sudan-Egypt border.
“There are now a total of 340 Filipinos from Sudan on Egyptian soil,” pahayag ng DFA.
Sinabi naman ni DFA spokesperson Teresita Daza na may 62 iba pang evacuees ang bumiyahe sa sarili nilang kakayanan.
“There was one group of Filipinos who arrived at Wadi Halfa, Sudan on April 26,” ani Daza.
Kamakailan ay sinabi ni DFA Undersecretary for Migrant Workers Affairs Eduardo de Vega na ilan sa mga suliranin na kanilang nararanasan ay ang mahabang proseso ng pagtawid sa border ng Egypt para sa mga dayuhan, dahil sa kakulangan ng kaukulang dokumento katulad ng passports at visa.
Sa ulat ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Huwebes, Abril 27, mayroong 409 Filipinos, kabilang ang 335 overseas workers at kanilang mga pamilya, ang umalis na sa kabisera ng Sudan na Khartoum dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan doon.
Nakataas pa rin ang Alert Level 3 sa nasabing bansa na nangangahulugang ipinapatupad na ang voluntary repatriation o evacuation dahil sa nagpapatuloy na sagupaan ng Sudanese Armed Forces at Rapid Support Forces paramilitary group. RNT/JGC
PNP chief Acorda ‘di basta-basta magpapangalan ng pulis na sangkot sa droga
April 28, 2023 @2:31 PM
MANILA, Philippines – Nangako ang bagong pinuno ng Philippine National Police (PNP) na pangangalanan lamang nito ang isang pulis o high-ranking police officials na posibleng sangkot sa illegal na droga sa oras na makapaghain na ng kaso laban dito.
Ayon kay Philippine National Police chief Gen. Benjamin Acorda, dahil ang mga ito ay tagapaglingkod sa publiko.
“Ang nasa usapan namin is, we will only name names once the case is filed,” sinabi ni Acorda sa exclusive interview ng ABS-CBN News.
“Habang hindi pa na-file ang kaso, medyo para sa protection din nila kasi kailangan maging maingat tayo diyan. May pamilya din yan, kamag-anak. Kahit papaano ay nag-render ng service sa kapulisan,” dagdag niya.
Sa naunang panayam, sinabi ni Acorda na ang konsiderasyong ito sa pulisya ay upang maiwasan ang sari-saring komento at opinyon na maituturing na “premature.”
Noong nakaraang linggo ay sinabi ng PNP na nakatakda nang pormal na iendorso ng 5-man member advisory group ang kanilang ulat sa pagsusuri sa courtesy resignations ng senior police officials kasabay ng kanilang cleansing program.
Sakop ng evaluation at screening ang 953 indibidwal na nagpasa ng kani-kanilang courtesy resignation.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ilalabas na sa mga susunod na araw ang pagsusuri ng kanyang opisina sa naturang usapin, lalo pa’t ang proseso umano ay kumplikado dahil nais ng mga awtoridad na maging patas ito.
“It’s a very complicated system, and it’s a very complicated situation. Hindi naman tayo puwedeng umaksyon on the basis ng tsismis. We cannot move on that basis,” sinabi ni Marcos. RNT/JGC
Hontiveros sa pinakabagong panggigipit ng China: Case of international gaslighting ‘yan!
April 28, 2023 @2:18 PM
MANILA, Philippines – Inilarawan ni Senador Risa Hontiveros nitong Biyernes, Abril 28, ang pinakahuling panggigipit at pambubully ng China sa Pilipinas sa West Philippine Sea ay isang uri ng “international gaslighting.”
Noong Linggo kasi ay hinarang ng barko ng Chinese coast guard ang barko naman ng Pilipinas sakay ang mga mamamahayag, sa Ayungin Shoal na muntik pang magdulot ng banggaan.
Sa ulat ng AFP, nag-abiso na ang BRP Malapascua at BRP Malabrigo na sila ay maglalaya sa Second Thomas Shoal para magkasa ng “site survey” at humiling sa barko ng China “to stay clear from our passage”.
Sa kabila nito, sumagot ang Chinese coast guard sa pamamagitan ng radyo at sinabing ang barko ng Pilipinas ay illegal na naglalayag sa teritoryo ng China.
“Classic case of international gaslighting but Beijing’s continued silence and denial about the Hague ruling, pinapakita niyan na ‘yan talaga ‘yung Achilles heel niya, ‘yan ang weakest link niya,” pagbabahagi ni Hontiveros sa panayam ng ANC.
Para sa senador, ang paulit-ulit na panggigipit ng China sa mga barko ng bansa ay nagpapakita ng kawalan ng respeto nito sa soberanya ng Pilipinas.
“This is just the latest in a continuous and unbroken and apparently unrepentant string of incidents na hindi nila puwedeng sasabihin na aksidente,” Hontiveros said.
“May pananadya na talaga dito.”
“Di niya kayang respetuhin ‘yung ating national interest and always, we Filipinos are the last line of defense for the Philippines,” dagdag pa niya.
Nanawagan naman si Hontiveros sa Department of Foreign Affairs na maghain ito ng panibagong diplomatic protest laban sa China.
“I hope the executive is not waiting for an even worst incident in order to finally put its foot down and tell China, tell Beijing off to cease and desist in these kinds of actions and incidents,” pagtatapos ng senador. RNT/JGC
Drug users, ililigtas ng bagong PNP chief; distributors tutugisin!
April 28, 2023 @2:05 PM
MANILA, Philippines – Nais ng bagong pinuno ng Philippine National Police (PNP) na iligtas ang mga drug users at ang tugisin ay ang mga distributor ng illegal na droga.
“We want to save talaga yung mga user natin, we want to save the user [through] rehabilitation. But really, yung mga nagdi-distribute, yun talaga tatargetin natin,” sinabi ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda nitong Biyernes, Abril 28.
“Lalo na sa ating pag-conduct ng operations against high-value individuals, at saka ‘yung street-level individuals, ‘yun ang bibilangin na accomplishment ng ating kapulisan,” dagdag pa niya, sa panayam ng TeleRadyo.
Hinikayat din ni Acorda ang mga pulis na panatilihin ang katapatan sa mga isasagawang operasyon para maibalik ang tiwala ng publiko.
Matatandaan na sumasalo ng kabi-kabilang alegasyon ang pulis at opisyal ng PNP dahil sa cover-up ng pagkumpiska sa nasa P6.7 bilyon halaga ng illegal na droga noong nakaraang taon.
“That (honesty) will help us get a high conviction rate… Lalabas at lalabas sa korte yan and that’s what I told to our commanders on the ground that really, when we file cases, it is something that should stand in court,” ani Acorda.
Hanggang noong Nobyembre 2022, nasa kabuuang 26,244 barangay na o 74% ng 35,356 drug-affected barangays sa Pilipinas ang drug-free na. RNT/JGC
Higit P21M Lotto jackpot nasungkit na!
April 28, 2023 @1:52 PM